"Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Asyano." Isang pangungusap na paulit ulit nang sinabi ng halos lahat lalo na ang mga Pinoy. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang lahing ito para sa isang tunay na Asyano. Ikaw, ipinagmamalaki mo ba ang lahi mo? Tara!
Marami akong maipagmamalaki bilang isang Asyano, ngunit tunay kong ipinagmamalaki ang isang katangian na masasabi ko na naghihiwalay sa atin sa iba, ang kakayahan natin na buong tapang na humarap sa anumang pagsubok na dumarating sa ating buhay, gaano man ito kahirap. Kagaya ng mga bagyo, lindol, trahedya o kung ano ano pa mang mga pagsubok.
Isa ring katangian ay ang pagiging magalang, nagsasabi tayo ng mga katagang “po” at “opo” sa mga nakakatanda bilang tanda ng respeto. Ganun din sa ibang panig ng Asya, ang pagyuko ay isa ding tanda ng kanilang paggalang.
Magaling din tayo sa larangan ng sports lalo na sa basketball. Isang halimbawa na ditto ay ang Gilas Pilipinas na umabot na sa Incheon 2014. Hindi ata tayo papahuli! Nakakatindig balahibo man ngunit hindi natin makakaila na tayo’y napakagaling.
Di rin mawawala ang bayanihan o pagtutulungan sa atin, di lang sa Pilipinas . kung hindi sa buong Asya na din. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Madalas itong nangyayari lalo na panahon ng kalamidad. Dito din makikita ang pagtutulungan ng mga tao at pakikipagkapwa-tao.
At ang pinakamahalaga sa lahat ang ay pagiging maka-Diyos. Alam naman nating iba iba tayo ng relihiyon hindi ba? Ngunit sa kabila ng ito, alam nating iisa lang ang ating sinasamba. Ito din ay isang susi sa pagkakaisa ng mga tao dahil ito ang nagbubuklod sa atin.
Ngunit sa mga dahilang ito, di parin ito sapat para masabi ko kung gaano ko ito ipinagmamalaki. Minsan sa simpleng paraan man lang ay maipagmamalaki mo na ito. Taas noo mong ipagmalaking isa kang tunay na Asyano!
-Nikki Arriola