Ang Asyaang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Sinasakop nitoang 30% ng kalupaan ng mundo.Mga 50 bansa lamang ang matatagpuan dito.Ngunit sa kaunting bilang ng mga bansa sa Asya ay hindi natin aakalain nananinirahanang bilyongbilyong mga Asyano. Mga apatnabilyongtaoang makikita sa Asya: Mga estudyante na nagsisipagsapagaaral, mga trabahador na walang tigil sapaggawa ng iba’t ibang gawain, at mga pamilya na sumosuporta sa isa’t isa at nagsusumikap namabuhay. Satagal ng panahon ng ating pamumuhay, sa araw araw nating mga gawain, mayroon kayang isang segundo natumatak sa isipan natin ang katanungang ito: Ipinagmamalaki ko ba na ako’y Asyano.
1 Comment
Dapat ba nating ipagmalaki ang ating lahing pinagmulan? Kung oo, ano ano ang mga bagay na dapat nating ipagmalaki? Ano ang mga katangian natin na nagbibigay ng kilanlan sa ating lahing pinagmulan?
Ipinagmamalaki mong ika’y Asyano! Maraming mga dahilan para ito’y ipagmalaki mo. Ang pagiging Asyano ay wag mong ikahiya. Dahil may mga dahilan upang ipagmalaki mong nangingibabaw ang pagiging asyano.
Ang asya ay may mga makukulaya na kasaysayan na maipagmamalaki mo sa iba. May angking galing tayong mga Asyano na nakakalamang sa ibang kontinente. Kahit tayo ay naaapi ng iba ipagtatangol parin natin ang ating pagiging asyano. Ang mga asyano ay mayroong malilikhaing mga kultura na kakaiba sa ibang lugar. Marami tayong kaibahan sa mga ibang kontinente ngunit dahil doon ay nangingibabaw tayo sa kanila. Sa kabila ng paghuhusga nila sa atin napatunayan natin na ang mga asyano ay ay angking galing. Maswerte tayo dahil asyano tayo. Ipagmalaki nating itodahil ito ang ibinigay ng Ating Maykapal. -Phoebe Sanchez "Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Asyano." Isang pangungusap na paulit ulit nang sinabi ng halos lahat lalo na ang mga Pinoy. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang lahing ito para sa isang tunay na Asyano. Ikaw, ipinagmamalaki mo ba ang lahi mo? Tara!
Marami akong maipagmamalaki bilang isang Asyano, ngunit tunay kong ipinagmamalaki ang isang katangian na masasabi ko na naghihiwalay sa atin sa iba, ang kakayahan natin na buong tapang na humarap sa anumang pagsubok na dumarating sa ating buhay, gaano man ito kahirap. Kagaya ng mga bagyo, lindol, trahedya o kung ano ano pa mang mga pagsubok. Isa ring katangian ay ang pagiging magalang, nagsasabi tayo ng mga katagang “po” at “opo” sa mga nakakatanda bilang tanda ng respeto. Ganun din sa ibang panig ng Asya, ang pagyuko ay isa ding tanda ng kanilang paggalang. Magaling din tayo sa larangan ng sports lalo na sa basketball. Isang halimbawa na ditto ay ang Gilas Pilipinas na umabot na sa Incheon 2014. Hindi ata tayo papahuli! Nakakatindig balahibo man ngunit hindi natin makakaila na tayo’y napakagaling. Di rin mawawala ang bayanihan o pagtutulungan sa atin, di lang sa Pilipinas . kung hindi sa buong Asya na din. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Madalas itong nangyayari lalo na panahon ng kalamidad. Dito din makikita ang pagtutulungan ng mga tao at pakikipagkapwa-tao. At ang pinakamahalaga sa lahat ang ay pagiging maka-Diyos. Alam naman nating iba iba tayo ng relihiyon hindi ba? Ngunit sa kabila ng ito, alam nating iisa lang ang ating sinasamba. Ito din ay isang susi sa pagkakaisa ng mga tao dahil ito ang nagbubuklod sa atin. Ngunit sa mga dahilang ito, di parin ito sapat para masabi ko kung gaano ko ito ipinagmamalaki. Minsan sa simpleng paraan man lang ay maipagmamalaki mo na ito. Taas noo mong ipagmalaking isa kang tunay na Asyano! -Nikki Arriola Asyano? Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang iyon? Negatibo ba? O positibo? Maraming nagsasabi na ang mga Asyano ay magandang pakisamahan dahil sa kanilang magagandang katangian. Kung ano ang mga katangian na iyon? Narito.
Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay masiyahin. Walang araw na hindi mo sila makikita na hindi nakatawa. Ipinagmamalaki ko rin na ako'y isang Asyano dahil ang ma Asyano ay malikhain. Marami kang makikitang magagandang istruktura at mga gusali dito sa Asya at gawa lahat yon syempre ng mga Asyano. Isa ring katangian ng mga Asyano ay ang mapagmahal. Ang mga Asyano ay mapagmahal sa kapwa lalo na pag dating sa kanilang pamilya. Halimbawa, gagawin nila ang lahat para lang sa kanilang pamilya dahil sa kanilang pagmamahal sa kanila. Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay maka-diyos. Kahit sa dami ng kanilang ginagawa hindi parin nila nakakalimutan na pasalamatan ang Diyos sa kanilang mga buhay. At kahit hindi pare-pareho ang kanilang relihiyon meron pa rin silang pinananaligan. At isa pa nakakatulong din ang kanilang pagiging makadiyos nila dahil namumuo ang pagkakaisa ng mga tao. At higit sa lahat, ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay hindi sumusuko. Kahit ilang problema man o mga pagsubok ang dumating sa kanilang buhay hindi parin sila sumusuko na malagpasan ito. Halimbawa,sa Pilipinas sa dinami daming bagyo ang dumarating, kahit na bumaha man o masira ang mga kabuhayan ang mga Pilipino ay hindi sumusuko na makakabangon sila ulit. At lagi silang naniniwala na lahat ng problema ay may solusyon. Yan ang mga bagay o katangian na meron ang mga Asyano. Kahit ano pang diskriminasyon o panlalait ang matanggap. Nangingibabaw parin na ang mga Asyano ay bukod tangi. At taas noo kong ipinag-mamalaki na ako'y isang Asyano! -Danessa Oraye Ang mga Asyano ay mga taong determinado, saan man sulok ng mundo mapadpad. Asyano taong hindi sumusuko kahit anong larangan kami ay lalaban. Sadyang maipagmamalaki ang pagiging Asyano, dahil sa ugaling ating kinagisnan talagang maipagmamalaki. Kahit saan man naroroon mabilis makibagay dahil hindi kami nagmamaliit ng kapwa kundi tumutulong sa mga kapwa naming nangangailangan.
Ako’y Asyano ipinagmamalaki ko, kami’y determinado at massipag sa trabaho, handang umunlad para sa aming pamilya, kahit sa larong palakasanhindi padadaig katulad nina Manny Pacquiao , Nonito Donaire ng Pilipinas at Zhou Chiming ng China sa Boxing. Magagaling din ang mga Asyano sa ibang laro tulad ng basketbol. Kahit maraming diskriminasyon patuloy na babangon, ipapakita kung ano kaming mga Asyano, katulad ng ginawa ni Cory Aquino at iba pang lider ng mga bansa sa Asya, pinagtangol nila ang karapatang pantao sa kanilang bansa. Asyano ay marangal na tao, mababait at lumaking may takot sa Diyos. Maipagmamalaki rin naming ang umuusbong na teknolohiya sa aming continente pinapakita nito na sadyang maabilidad ang mga Asyano. Maraming gadgets na ang nangagaling sa aming konitinente tulad ng mga makabagong cellphone ngayon at mga tablet atbp. Maipagmamalaki rin namin ang magagandang likas na yaman na biyaya ng Diyos sa aming kontinente tulad ng mga ilog, falls, underground river mga bulubundukin atbp. Ang dugong Asyano ay masasabing masipag at maasikaso, sila ay mga taong hindi sumusuko. Determinado upang umunlad ang kanilang buhay. Taong walang inuurungan kahit saan mang larangan kahit pampalakasan pa. Kahit inaarabyado tuloy parin ang takbo nang mithiin yan ang Asyano. - Carl Sabile Asyano ka ba? Kung asyano ka may ipagmamalaki ka. Ipinagmamalaki ko na ako’y asyano, may lima akong dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko ang aking pagiging asyano.
Una sa lahat ipinagmamalaki ko ang aking kulay na kayumangi. Hindi maputi at hindi rin maitim. Asyano lang ang may kulay ng balat na kayumangi. Madaming tao ang naghahangad ng ganitong kulay ng balat pero sa isang asyanong tulad ko ito ay natural na lamang. Ikalawa madaming tao sa iba’t ibang bansa ay matatangkad ngunit ang isang asyano ay maliit lamang. Ipinagmamalaki ko na maliliit ang mga asyan dahil kahit maliit man kaming mga asyano ay kayang kaya parin naming makipagsabayan sa mga matatangkad. May kasabihan nga sila na “Walang maliit, na hindi nakakapuwing” Ikatlo na dahilan ang mga asyano ay masisipag. Kahit saang bahagi ng mundo ay may makikilala o makakakita na asyanong nagtatrabaho ng mahusay. Kahit anong pagsubok kaya nilang harapin. Ipinagmamalaki ko rin ang ating mahuhusay at masisipag na OFW. Kinakaya nila ang ganong hirap para sa kanilang pamilya at para din sa ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ang ika-apat naman alam nating lahat na ang mga asyano ay magaling pagdating sa teknolohiya. Ang makabagong gadgets tulad ng mga cellphone, tablet, laptop, computer at iba pa ay mga gawa ng asyano. Nakakamangha na nakagagawa sila ng ganitong mga bagay upang mapadali ang ating araw araw na gawain. Ika-lima at huli sa lahat ipinagmamalaki ko ang mga magagandang at nakakapag bighaning tanawin sa asya. Katulad ng Chocolate hills sa Bohol, bundok ng K2 sa Pakistan, disyeryo ng Gobi sa Mongolia at iba pa. Itong nasambit kong mga lugar ay ilan lamang sa magagandang tanawin ng asya. Kaya ipinagmamalaki ko na ako’y isang asyano. Alam kong hindi sapat ang pitong talata na aking isinalaysay upang sabihin ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko ang aking pagiging asyano. Nais ko lamang sabihin na ako ay isang asyano at buong puso ko itong ipinagmamalaki. - Keanne Figueroa Ako ay Asyano, at ito ay ipinagmamalaki ko. Kahit ibaiba tayo ng itsura dito sa Asya, tayo parin ay pare-parehong Asyano kaya pare-pareho tayo na mabait, masipag at iba pa.
Ipinagmamalaki ko na Asyano ako dahil ang mga produkto ng mgaAsyano ay magaganda at nakakatulong saating pamumuhay kaya namantinatangkilik ko ang mga ito. Pangalawa, dahil madamiing magagandang tanawin na pwedeng puntahan sa Asya. Pangatlo, dahilang mga tao sa Asya ay mababait, masisipag, matalino maparaan at iba pa. Pang-apat dahilang klimasa Asya ay tama lang at maganda. At ang panghuli ay dahil ang mga tao saAsya ay nagtutulugan at nagkakaisa. Talagang ipinagmamalaki ko na Asyano ako. Ang masasabi ko lang ay sana hindi magbago ang mga Asyano. At ako, naisa ding Asyano, ang masasabi ko din ay tayo ay magtulungan upang hindi na magkaroon ng gulo at para magkaroon ng kapayapaan sa mundo kaya ipagmalaki natin na Asyano tayo. - Joshua Ramos |