Asyano ka ba? Kung asyano ka may ipagmamalaki ka. Ipinagmamalaki ko na ako’y asyano, may lima akong dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko ang aking pagiging asyano.
Una sa lahat ipinagmamalaki ko ang aking kulay na kayumangi. Hindi maputi at hindi rin maitim. Asyano lang ang may kulay ng balat na kayumangi. Madaming tao ang naghahangad ng ganitong kulay ng balat pero sa isang asyanong tulad ko ito ay natural na lamang.
Ikalawa madaming tao sa iba’t ibang bansa ay matatangkad ngunit ang isang asyano ay maliit lamang. Ipinagmamalaki ko na maliliit ang mga asyan dahil kahit maliit man kaming mga asyano ay kayang kaya parin naming makipagsabayan sa mga matatangkad. May kasabihan nga sila na “Walang maliit, na hindi nakakapuwing”
Ikatlo na dahilan ang mga asyano ay masisipag. Kahit saang bahagi ng mundo ay may makikilala o makakakita na asyanong nagtatrabaho ng mahusay. Kahit anong pagsubok kaya nilang harapin. Ipinagmamalaki ko rin ang ating mahuhusay at masisipag na OFW. Kinakaya nila ang ganong hirap para sa kanilang pamilya at para din sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
Ang ika-apat naman alam nating lahat na ang mga asyano ay magaling pagdating sa teknolohiya. Ang makabagong gadgets tulad ng mga cellphone, tablet, laptop, computer at iba pa ay mga gawa ng asyano. Nakakamangha na nakagagawa sila ng ganitong mga bagay upang mapadali ang ating araw araw na gawain.
Ika-lima at huli sa lahat ipinagmamalaki ko ang mga magagandang at nakakapag bighaning tanawin sa asya. Katulad ng Chocolate hills sa Bohol, bundok ng K2 sa Pakistan, disyeryo ng Gobi sa Mongolia at iba pa. Itong nasambit kong mga lugar ay ilan lamang sa magagandang tanawin ng asya. Kaya ipinagmamalaki ko na ako’y isang asyano.
Alam kong hindi sapat ang pitong talata na aking isinalaysay upang sabihin ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki ko ang aking pagiging asyano. Nais ko lamang sabihin na ako ay isang asyano at buong puso ko itong ipinagmamalaki.
- Keanne Figueroa