Dapat ba nating ipagmalaki ang ating lahing pinagmulan? Kung oo, ano ano ang mga bagay na dapat nating ipagmalaki? Ano ang mga katangian natin na nagbibigay ng kilanlan sa ating lahing pinagmulan?
Ako bilang mamamayan ng Asya, pinagmamalaki ko ang lahing aking pinagmulan dahil isa ang Asya sa mga kontinente na sagana sa kultura, paniniwala, at mga ambag sa ating sibilisasyon. Katulad ditto sa Pilipinas, nagging kultura na natin ang mainit na pagtangap sa ating mga bisita. Mga paniniwala sa mga aswang, tikbalang, at iba pang elemento sa ating kalikasan. Mga kasabihang malas ang pagwawalis tuwing gabi. Ang mga dinastiya sa China na nagpaptunay na noon pa man ay maunlad na ang pamumuhay ng mga tao sa Asya. Ang Great Wall of China ang isang patunay neto. Makikita din sa Asya ang pagkakaisa ng mga bansa rito na sa kabila ng kanilang magkakaibang ugali, paniniwala, at kultura nakikita pa rin ang pagtutulungan. Ang ASEAN ang patunay ditto na naglalayong pagkaisahin ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya nang sa gayon pare-parehong umunlad ang mga bansa rito dahil karaniwang mga 3rd world country ang mga kasapi nito.
Tunay na mayaman ang Asya sa iba’t-ibang bagay. Ikaw, ipagmamalaki mo ba ang iyong pinagmulan? Anong mga bagay ang ipinagmamalaki mo?