Asyano? Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang iyon? Negatibo ba? O positibo? Maraming nagsasabi na ang mga Asyano ay magandang pakisamahan dahil sa kanilang magagandang katangian. Kung ano ang mga katangian na iyon? Narito.
Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay masiyahin. Walang araw na hindi mo sila makikita na hindi nakatawa. Ipinagmamalaki ko rin na ako'y isang Asyano dahil ang ma Asyano ay malikhain. Marami kang makikitang magagandang istruktura at mga gusali dito sa Asya at gawa lahat yon syempre ng mga Asyano. Isa ring katangian ng mga Asyano ay ang mapagmahal. Ang mga Asyano ay mapagmahal sa kapwa lalo na pag dating sa kanilang pamilya. Halimbawa, gagawin nila ang lahat para lang sa kanilang pamilya dahil sa kanilang pagmamahal sa kanila. Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay maka-diyos. Kahit sa dami ng kanilang ginagawa hindi parin nila nakakalimutan na pasalamatan ang Diyos sa kanilang mga buhay. At kahit hindi pare-pareho ang kanilang relihiyon meron pa rin silang pinananaligan. At isa pa nakakatulong din ang kanilang pagiging makadiyos nila dahil namumuo ang pagkakaisa ng mga tao. At higit sa lahat, ipinagmamalaki ko na ako'y isang Asyano dahil sila ay hindi sumusuko. Kahit ilang problema man o mga pagsubok ang dumating sa kanilang buhay hindi parin sila sumusuko na malagpasan ito. Halimbawa,sa Pilipinas sa dinami daming bagyo ang dumarating, kahit na bumaha man o masira ang mga kabuhayan ang mga Pilipino ay hindi sumusuko na makakabangon sila ulit. At lagi silang naniniwala na lahat ng problema ay may solusyon.
Yan ang mga bagay o katangian na meron ang mga Asyano. Kahit ano pang diskriminasyon o panlalait ang matanggap. Nangingibabaw parin na ang mga Asyano ay bukod tangi. At taas noo kong ipinag-mamalaki na ako'y isang Asyano!
-Danessa Oraye